(c) S/Supt. Bernard Banac

Gumagalaw na umano ang Philippine National Police (PNP) para maaresto si alias Bikoy na nasa likod ng video na “Ang totoong narcolist.”

Ayon kay PNP spokesperson Col. Bernard Banac, malaking bagay para sa Philippine National Police ang pagkakaaresto sa video uploader na Rodel Jayme.

Sinabi pa ni Banac ang pag-aresto Jayme ay magiging daan para maaresto na rin si alias Bikoy.

Si “Bikoy” ang nasa likod ng pagpapakalat ng “Ang totoong narcolist ” video ay nag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na droga.

Aalamin ng PNP kung saan nakuha ni Jayme ang ini-upload na video at ano ang kaugnayan nito sa mga indibidwal na nasa likod ng alias Bikoy video.

Sa ngayon wala pang natatanggap na reklamo ang PNP laban kay “Bikoy.”