Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na boodle money na nagkakahalaga ng P1-million pesos ang kanilang narekober sa madugong misencounter sa Commonwealth sa pagitan ng PNP at PDEA.
Ayon kay PNP Crime Laboratory Deputy Director BGen. Robert Rodriguez, nakarekober ng PNP SOCO ng P1 million boodle money sa isang van na ino occupy ng mga tauhan ng PDEA at kanila ng naiturn over sa IOC.
Walang P1 million cash money ang nawawala sa naturang operasyon.
Sinabi ni Rodriguez ilang mga ebidensiya din ang kanilang na iproseso
at ilan dito ay naiturn over sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon naman kay PNP Chief Gen. Debold Sinas kabilang sa mga ebidensiya na naprocess ng PNP Crime Lab ay Autopsy, drug test, paraffin test , dna analysis, bullet trajectory, ballistics at finger prints.
Sinabi ni Sinas, naisumite na nila sa NBI ang kanilang mga hawak na ebidensiya.
Sa kabilang dako, balik na ang PNP sa kanilang anti-illegal drug operations.
Siniguro naman ni Sinas na hindi na mauulit pa ang madugong misencounter sa pagitan ng PNP at PDEA.