Tila naghuhugas kamay ngayon ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa kinasasangkutang anomalya na P1.89-billion procurement na mga Mahindra patrol cars na binili noong 2015.
Ayon kay PNP Spokesperson S/Supt. Benigno Durana, hindi naman daw ang PNP ang bumili nasa 3,000 Mahindra patrol jeeps.
Nilinaw din ng PNP na hindi ang Bids and Awards Committee (BAC) ng PNP ang nag-bid kundi ang procurement service ng Department of Budget and Management (DBM).
Ang tanging kontribusyon lamang aniya rito ng PNP ay ibigay ang tamang specifications batay sa operational needs assessment ng PNP.
Dahil dito, nakipagpulong na ang ilang technical people mula sa PNP Directorate for Logistics at ang ilang personnel Philippine International Trading Corporation (PITC) kaugnay sa nasabing isyu.
Siniguro ng PNP na kanilang iko-comply ang mga naging rekomendasyon ng COA kaugnay sa Mahindra anomaly sa pakikipag-ugnayan ng PITC.
Hihilingin din ng PNP bigyan ng pagkakataon ang kanilang legal team na rebyuhin ang BID document ng sa gayon mapag-aralan ang “option” na maaaring i-refund na lamang ang nasabing pondo o ibalik sa gobyerno ang nasabing pondo.
“There is lapses in the procurement, the bidding process until its procurement was not done by the bids and awards committee by the PNP but by the procurement service of the Department of Budget and Management. It is not beyond us. The only thing that we contributed is set the specifications based on the operational needs assessment that were conducted earlier issue on COA report,” pahayag ni Durana.