Pinaalalahahan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga indibidwal na nais bumiyahe sa mga Tourist Destination Area (TDA) bago bumiyahe.
Ayon kay Eleazar, magkakaiba ang panuntunan ng mga LGU’s sa pagtanggap ng mga Lokal na Turista, kaya’t mas mabuting alamin muna ito ng mga lokal na turista bago bumiyahe patungo sa isang Tourist Destination Area.
Ang paalala ni PNP chief ay kasunod ng anunsyo ng Malakanyang na binubuksan na ang Lokal na Turismo sa bansa.
Sinabi ni Gen Eleazar, na may kaniya kaniyang Rules and Regulation ang mga LGU na kailangang sundin ng ating mga lokal na turista.
Tuloy naman ang pagbabantay ng mga tauhan ng PNP upang tiyakin na masusunod ng mga Heath Protocols dahil sa banta pa rin ng COVID 19.
Batid umano ng Heneral na marami na sa ating mga kababayan ang atat nang bumiyahe dahil sa mahabang Quarantine, ngunit mahalaga pa rin na nasusunod ang mga Health Protocols.