Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga indibidwal na umalis sa Metro Manila dahil sa community quarantine bunsod ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na sumailalim din sa self quarantine.
Layon nito na masiguro ang kanilang kaligtasan lalo pa’t nagkaroon mass exodus nitong nakalipas na dalawang araw bago ang papapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Adminstration Police Lt. Gen. Camilo Cascolan, kahit walang sintomas ng sakit ang ilang mga umalis ng Metro Manila, posibleng makaranas sila ng flu-like symptoms sa mga susunod na araw kung sila ay nagkaroon ng direct contact sa taong nagpositibo sa COVID-19.
Pinayuhan din ni Cascolan ang publiko na gawin talaga ang social distancing o panatilihin ang isang metrong layo sa mga kausap, ugaling mag-alchohol o hand sanitizer at uminom ng vitamins.
Sa Kampo Crame, mahigpit na rin ipinatutupad ang “no face mask, no entry policy.”