-- Advertisements --

Laging nakaantabay ang PNP na magbigay ng seguridad sa iba’t-ibang penal colony sa bansa gaya sa New Bilibid Prison o NBP.

Sinabi ni PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo na sakaling hilingin ng Bureau of Correction ang kanilang dagdag na puwersa ay agad silang magpapadala para mapanatili ang katahimikan.

Magugunitang noong nagkaroon ng anumang kaguluhan sa ilang penal colony ay nagpadala ang kanilang puwersa para mapanatili ang katahimikan.

Nananatiling kasama aniya ang PNP sa isinusulong ng BuCor na maiwasan sa anumang kontrabando ang mga penaly colony sa bansa.