-- Advertisements --

Naniniwala si Iloilo 3rd district Rep. Lorenz Defensor na “nag-backfire” ang maagang pagdeklara ni VP Sara Duterte ng kanyang kandidatura sa 2028, kasabay ng hindi pagdalo ng kanyang kampo sa mga pagdinig ng House Committee on Justice.

Ayon kay Defensor, naging hamon sa mga mambabatas ang popularidad ng Bise Presidente. Ngunit aniya, nagbago ang ihip ng sitwasyon nang hindi ito humarap at sumagot sa mga alegasyon sa impeachment hearings.

Giit niya, nakaapekto sa pananaw ng ilang kongresista ang kawalan ng direktang paliwanag mula sa kampo ni Duterte, na umano’y nagbawas ng pressure sa mga miyembro ng Kamara.

Kabilang sa mga isyung kinakaharap ng Bise Presidente ang umano’y misuse ng confidential funds, hindi wastong deklarasyon ng kaniyang SALN, unexplained wealth, at banta laban sa Pangulo at iba pang opisyal.

Sa huli, nagpasya ang komite na ituloy ang impeachment matapos ideklarang may probable cause ang mga reklamo laban sa kanya. (report by Bombo Jai)