Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa na sila sa pagbibigay seguridad sa pag transport sa unang batch ng Covid-19 vaccines mula sa China Sinovac Biotech na darating mamayang hapon.
Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, “all systems” in place na ang PNP para sa pagbibigay seguridad sa pag biyahe ng mga bakuna.
Batid na rin ng mga pulis ang kanilang mga gagawin sa sandaling simulan na ang roll-out ng mga bakuna.
” PNP units are fully prepared to perform their assigned duties under the task organization of PNP Vaccination Plan ” Caduceus” is the strategic plan that will operationalize all security and public safety operations for the vaccine rollout in the coming weeks and months, following the arrival of the vaccine shipments from abroad,” pahayag ni PNP Chief Gen. Sinas.
Sinabi ni Sinas ang “Oplan Caduceus” ng PNP ay nakatutok sa security and public safety guidelines and procedures ng IATF sa sandaling magsimula na ang roll-out ng mga bakuna.
Aniya, pinaghandaan talaga ito ng PNP para matiyak na maging maayos at mapayapa ang rollout ng mga bakuna.
” We have gone through a series of planning workshops and simulation exercises to ensure organized and orderly transport of the vaccine shipment to the storage facilities and distribution hubs on D-day when the vaccine rollout shall commence,” wika ni Sinas.