Blanko pa rin ang Police Regional Office XI at Davao City Police Office (DCPO) sa kinaroroonan ni pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa kasong human trafficking at sexual abuse.
Ayon kay Davao City Police Office spokesperson Police Capt. Hazel Tuazon na hinihintay pa nila ang kopya ng arrest warrant mula sa senado ganun din ang koordinasyon mula sa Senate’s sergeant at arms.
Dagdag pa nito na mahalaga na makipag-ugnayan ang Senate sergeant at arms sa mga local na kapulisan para maiwasan ang anumang maling sagupaan.
Tiniyak naman ni PRO XI spokesperson Police Maj. Catherine Dela Rey na agad nilang ipapatupad ang arrest order kapag nakakuha na sila ng kopya.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay inatasan ng Senado na maaresto at makulong si Quiboloy dahil sa patuloy na hindi pagtugon sa panawagang hearing na isinasagawang pagdinig.










