-- Advertisements --

Sinegundahan ng PNP ang pahayag ni dating PNP chief at ngayo’y senatorial candidate retired Gen. Guillermo Eleazar na wala ng “padrino system” sa recruitment ng PNP.

Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, wala nang pagkakataon para mang impluwensya ang mga “third parties” sa kasalukuyang systema na paggamit ng “QR code” sa pagproseso ng mga aplikasyon.

Ang mga aplikante na nakapasa sa physical at psychological exam ay bibigyan ng QR code na maari nilang gamitin sa pag-track ng progreso ng kanilang aplikasyon.

Giit ng PNP chief, dahil sa “nameless at faceless” ang QR code ng mga aplikasyon ang pagproseso nito ay tanging ibabase sa sa kakayahan ng mga kandidato.

Babala ng PNP chief, kung meron mang mga ulat ng pang-iimpluwensya sa mga aplikasyon, iimbestigahan ito ng PNP Internal Affairs Service at mananagot ang mga mapatunayang sangkot dito.