-- Advertisements --

pnpcovid1

Ipinaliwanag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos ang kanilang “no jab no work policy.”

Paglilinaw ni Carlos, iginagalang nila ang karapatan ng mga pulis na ayaw magpabakuna laban sa COVID 19 at hindi naman nila ito pililitin.

Anya, ililipat lang nila ng assignment ang mga pulis na hindi bakunado sa low risk na trabaho. Kasama rito ang pagbibigay sa kanila ng administrative work.

Dagdag pa nya, on duty status pa rin ang mga pulis na hindi bakunado pero hindi na sila tatao sa mga local police station.

Papayagan naman silang makapasok sa kampo depende sa kaso.

Sa ulat mula sa Health Service, halos lahat ng mga pulis ay bkunado na, maliban na lang sa 1, 808 na tauhan.

Nasa 299 sa mga ito ay ayaw magpabakuna dahil sa medical reason, 194 dahil sa allergies at ang nalalabi naman ay buntis at dahil sa Religious belief.