-- Advertisements --
pnp CHIEF ALBAYALDE
PNP chief Albayalde

Nagtakda ng deadline si PNP chief PGen. Oscar Albayalde sa probe team na nag-iimbestiga sa serye ng patayan sa Negros Oriental.

Binigyan ng hangggang August 5,2019 ang PNP Directorate for Investigation and Detective Management (PNP-DIDM) sa pangunguna ni MGen. Francis Sarona upang makapagsumite ng inisyal na report kaugnay sa nangyaring patayan sa nasabing probinsiya.

Nais kasi ni Albayalde na matukoy ang punot dulo ng mga naganap na patayan sa Negros Oriental na umabot na sa 20 ang bilang ng napapatay ; kasama na rito ang pagkakapaslang sa apat na mga pulis.

Inaabangan din ni PNP chief kung ano ang magiging rekumendasyon ng DIDM.

Umalma naman si Albayalde sa alegasyon ng Makabayan Block sa Kongreso na ang serye ng patayan sa Negros ay mga senaryo lamang ng PNP at AFP para ma justify ang pagdeklara ng Martial Law sa nasabing probinsiya.

Hiling ni Albayalde sa publiko na huwag agad paniwalaan ang mga nasabing pahayag dahil malinaw na parte lamang ito ng propaganda ng komunistang grupo.