KORONADAL CITY – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP)-Region 12 na nakaantabay sila para sa isasagawang relief efforts para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ito ang inihayag ni PNP-12 Spokesperson PLt. Col. Lino Capellan sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Capellan, kanila na lamang hinihintay ang ano mang utos o ilalabas na memorandum mula kay Regional Director, BGen. Alfred Corpus upang magsilbing augmenting forces para sa relief efforts sa mga Taal affected residents.
Samantala, binigyang diin ng opisyal na mananatili umano ang mga programang ipinapatupad ni PNP chief Lt. Gen. Archie Gamboa mula nang OIC pa lamang ito katulad ng kampanya kontra sa droga, terorismo, kriminalidad at mas pinaigting na internal cleansing sa kanilang hanay.