Malabo ng matuloy ang planong joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ito ang binigyang-diin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner, kasunod ng tensiyon sa bahagi ng West Philippine Sea partikular ang insidenteng pag water canon ng China Coast Guard sa barko ng Pilipinas.
Nuong buwan ng July inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang alok ng Beijing na joint military exercises.
Inihayag naman ng National Task Force on the West Philippine Sea na walang visiting forces agreement ang China at Pilipinas.
Ayon kay Brawner, ang mga joint military drills sa pagitan ng ibang bansa ay kanilang kinukunsiderang “partners” gaya ng United States, Japan, at Canada at magpapatuloy ito.
Ipinunto din ni Brawner na kailangang ipaalam sa buong mundo ang nangyari sa West Philippine Sea ang mga ginagawang delikadong tactics ng China.