MIke Plania 1
-- Advertisements --
Mike Plania
Mike Plania

Planong lumaban sa super bantamweight division si Filipino boxer Mike Plania.

Kasunod ito ng matagumpay niyang panalo kay American boxer Joshua Greer Jr.

Sinabi ng kaniyang adviser na si Sean Gibbons na mananatili ito sa bantamweigth division at hahanap sila ng boksingero na nasa 122 pounds.

Ilan sa mga boksingero na nasa super bantamweight divison ay sina Rey Vargas ng Mexico ang kasalukuyang WBC champion, WBA US boxer Brandon Figueroa, IBF Murodjon Akhmadaliev ng Uzbekistan at WBO Mexican star Emmanuel Navarrete.

Magugunitang nakuha ng General Santos boxer ang majority decision na panalo laban kay Greer.

-- Advertisement --