-- Advertisements --
Binulabog ngayon ang NBA ng biglaang trade sa guard ng Detroit Pistons at dating MVP na si Derrick Rose patungong New York Knicks.
Sinasabing ang pagpayag ng Pistons ay kapalit naman kay Dennis Smith Jr at second round pick ngayong taon sa pamamagitan ng Charlotte Hornets.
Ang paglipat ni Rose sa Knicks ay reunion niya sa head na si coach Tom Thibodeau na dati ring nasa Minnesota.
Kaugnay nito, sari-sari kaagad ang mga reaksiyon at ispekulasyon.
Baka raw lumakas na ang tiyansa ngayon ng Knicks lalo na at gumaganda ang inilalaro ni Rose.
Hawak ngayon ng Knicks ang kartada na 11 wins, 14 losses.