Reading Time: 1 minute

TUGUEGARAO CITY-Iprinisinta ng 17th Infantry Battalion,Philippine Army sa commnading officer ng 5th Infantry Division na si Major General Pablo Lorenzo at sa media ang mga nakumpiskang mga armas at mga kagamitan ng mga New People’s Army sa kanilang mga operasyon sa Cagayan.

Kabilang sa mga ipinakita ng 17th IB sa pamumuno ni Lt.Col.Jesus Pagala ay ang apat na high powered firearms na kinabibilangan ng m14 at m16,dalawa dito ay isinuko ng dalawang miyembro ng NPA,dalawang malalaking pipe bomb,mga materyales sa paggawa umano ng improvised explosive device,hand held radios at iba pang kagamitan.

Ang mga nasabing mga armas ay nakuha matapos ang tactical at combat operations ng militar sa Rizal at Sto.Niño,Cagayan.

Kaugnay nito,sinabi ng 17th IB na ang dalawang pipe bomb na nakuha sa Sto.Niño ay pasasabugin sana umano ng mga NPA noong halalan.

Ayon pa sa 17th IB kinakalawang na ang mga armas at ang mga handheld radios dahil ang mga ito ay hinukay pa sa mga kuta umano ng mga NPA sa mga nasabing lugar.