Reading Time: 1 minute
Ernest Obiena
Obiena- running/ FB photo

Hindi pa rin lubos maisip ni Ernest John Obiena na makakakuha ito ng gold medal at maging kampeon sa World University men’s pole vault sa 30th Summer Universiade na ginanap sa Naples, Italy.

Nagtala ito ng 5.76 meters at tinalo sina Tolben Blech ng Germany at Ben Joren Broeders.

Sinabi nito na matagal na niyang pangarap na maging representative ng Pilipinas sa world state at siya ay nabigyan ng pagkakataon.

Una ng nabasag nito ang record na 5.71 meters noong Abril 2019 sa 23rd Asian Athletics Championship sa Doha, Qatar.