Ipinagmalaki ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang kahandaan ng mga atletang Pinoy na sasabak sa Southeast Asian Games (SEAG) 2019.

Ito’y sa kabila ng hindi pa rin nakokompletong preparasyon para sa mga venue ng laro, kahit mahigit 60 araw na lang bago ang nasabing sporting event.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Ramirez na karamihan sa mga manlalaro ay nagsanay pa sa ibang bansa, habang may ilan na dito naman sa Pilipinas nagsagawa ng trainings.

Kung tutuusin, may mga tiyak na raw na medalya ang Pilipinas sa ilang laro.