-- Advertisements --

Nakatakdang ipa-deport sa Pilipinas ang Pilipinong inaresto ng US Immigrationa and Customs Enforcement (ICE).

Ayon kay Consul General Adelio Cruz ng Philippine Consulate sa Los Angeles, nakahanda ang konsulada na tulungan ang naarestong Pilipino.

Ipinaalam na rin aniya sa pamilya ng Pinoy ang pagkakaaresto sa kaniya.

Nauna ng nilinaw ng Consul General na hindi kasama ang Pinoy sa inaresto sa ikinasang raids sa LA kundi sa mismong bahay siya inaresto kung saan kasama niya ang ICE official at isang parole officer.

Samantala, nilinaw din ng Consul General na walang mga Pilipino ang kasama sa mga protesta laban sa pinaigting pa na crackdown ng gobyerno ng US sa mga illegal immigrant.