Nakuha ni Filipino karateka James De Los Santos ang kaniyang ika-30 gold medal sa eKATA competition.

Ito ay matapos makumpleto niya ang eChampions Tropy World Series.

Una ng naipanalo ng world’s no. 1 eKATA player ang dalawang yugto ng eChampions Trophy World Series.

Ginanap ang una noong Setyembre habang ang pangalawang yugto ay noong Nobyembre.

Tinalo nito si Matias Moreo Domont ng Switzerland.

Sinabi nito na hindi siya humihinto para magtagumpay sa anumang kompetisyon.