-- Advertisements --
Nakakuha ng dalawang Guinness World Records ang isang Pinoy dahil sa jump rope.
Si Ryan Alonzo ay nakakuha ng world record para sa jump cros over o ang sunod-sunod na pagtalon habang nagpapalitan na naka-krus in at out ang mga braso.
Aabot sa 3,726 ang nakumpletong jump crossover ng 35-anyos na atleta.
Nakilala din siya sa tawag na “Skipman” dahil sa talento nito sa paggamit ng jump rope.
Noong nakaraang taon ay ginawaran na siya ng Guinness World Records dahil sa double underskips.
Nakuha niya ito sa pagkumpleto ng nasa 41,000 double underskips sa loob ng 20 oras.
Kuwento nito na natoto sa nasabing jumprope habang nag-eensayo para sa isang marathon na sasalihan.