Eumir Marcial
Eumir Marcial/ FB post

Inalok na ng kasal ng Pinoy boxer Eurmir Marcial ang kaniyang kasintahan.

Sa kaniyang social media, nagpost ng larawan ang 24-anyos na boxer kasama ang nobyang si Princess Galarpe na may suot na engagement ring.

Sa Facebook post naman ni Galarpe, sinabi nito na hiningi pa ng boksingero ang approval ng kaniyang magulang bago ang pag-alok ng kasal.

Pinasalamatan niya ang nobyo dahil sa pagiging matiyaga sa loob ng walong taon nilang relasyon.

Magugunitang naghahanda ngayon si Marcial sa pagsabak nito sa Olympic at sa pagiging professional boxer nito.