-- Advertisements --

Pasok sa Top 4 ang Pinay singer na si Gwyn Dorado sa “Sing Again 4”.

Nahigitan ng 21-anyos na singer ng Korean finalist na sina Lee O UK, Kim Jae Min at si Slowly.

Ang kaniyang pagkanta ng “I Want You” ay kinagiliwan ng mga judges kung saan nakapagtala ng 798 points na siyang pinakamataas na puntos na naitala sa kasaysayan ng season.

Isinilang bilang si Gwyneth Dorado na unang nakakuha ng atensiyon bilang finalist ng “Asia’s Got Talent Season 1” noong 2015 sa edad na 10.

Siya ang kinuhang kumanta ng National Anthem ng bansa sa State of the Nation Address ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2016.

Ang “Sing Again” ay isang singing competisyon sa TV ng South Korea na layon ay bigyan muli ang mga nalimutan, underrated o hini pa kilalang mga singers kabilangang mga dating idols, veteran musicians, indie artist at muling pagkakataon para muling makilala.