-- Advertisements --

Pinabilib ng Filipina singer na si Gwyneth ”Gwyn” Dorado ang mga judges ng South Korean TV singing contest na “Sing Again 4” kung saan napabilang sa final top four ang 22-anyos na Pinay.

Nanguna si Dorado sa kompetisyon matapos makakuha ng pinakamataas na score sa ika-12 episode ng programa na ipinalabas noong Disyembre 30, 2025.

Sa video na in-upload ng programa sa YouTube, tila napahanga ng Pinay ang mga judges at manonood sa kanyang performance nang kantahin ang awiting “I Want You,” na nagbigay sa kanya ng kabuuang scaore na 789 —ang contestant na nakakuha ng pinakamataas na score sa episode.

Pitong hurado ang nagbigay sa kanya ng perfect score, dahilan upang maitala ang pinakamataas na judges’ score sa kasaysayan ng paligsahan.

Ang “Sing Again 4” ay isang audition program para sa mga talentadong mang-aawit na naghahangad ng ikalawang pagkakataon sa big stage. Mula sa 81 na kalahok, apat na lamang ang umabot sa finals.

Makakasama ni Dorado sa finals sina Lee O-wook, Kim Jae-min, at Slowly. Gaganapin ang finals sa Enero 6, kung saan matutukoy na ang grand winner na mag-uuwi ng 300 milyong won (P12,247,052).

Samantala una nang nakilala si Gwyn noong siyay 10-taong gulang palamang ng sumabak sa unang season ng Asia’s Got Talent noong March 2015, bago i-tag bilang ‘Dorado’ sa Korea. Tubong Pasig City si Gwyn.