Nagkampeon sa kauna-unahang international online taekwondo tournament si Jocel Ninobla.

Jocel Ninobla 2
Jocel Ninobla

Nakahakot ito ng kabuuang 7,565 na puntos para sa makuha ang gold medal sa unang Online Daedo Open European Poomsae Championship.

Nakakuha naman ng silver medal si Raquel Sanchez ng Spain habang bronze medal naman ang nakuha ni Mahsa Sadeghi ng Iran.

Noong nakaraang taon ay nakamit ni ng 3-time UAAP poomsae champion ang gold medal sa 2019 Southeast Asian Games.

Ang Online Daedo Open European Poomsae Championships ay isang uri ng expiremental event na inorganisa ng European Taekwondo Union.