Nakatakdang dumating ngayong araw sa bansa ang isang Filipina na bikitma ng human trafficking mula sa bansang Iraq.

Ayon sa Philippine Embassy sa Iraq, pinangakuhan ng trabaho si alyas Joyce sa Dubai pero dinala ito sa Iraq.

Pinalaya din ito agad matapos na ikulong ng ilang araw.

Labis ang pasalamat naman Philippine Embassy sa mga prison officials sa mabilis na pagproseso ng kaso nito.