Nagtapos sa 24th overall si Filipina figure skater Sofia Frank sa 2021 Nebelhorn Trophy sa Oberstdorf, Germany.
Nagkamit ng kabuuang 128.78 ang 15-anyos na skater sa dalawang bahagi ng kumpetisyon.
Gamit ang kantang “Romeo and Juliet Wedding Vow” ni Abel Korzeniowski ay nakakuha ito ng 40.50 sa technical score at 44.63 sa program components.
Nanguna sa kumpetisyon si Alysa Liu ng USA na mayroong kabuuang 136.54 points na sinundan ni Ekaterina Kurakova ng Poland at Viktoria Safonova ng Belarus.
Dahil dito ay hindi na makakasama sa outright qualification si Sofia sa 2022 Beijing Winter Olympics.
Kahit na hindi kasama sa qualification sa Beijin ay nagdala naman ang kaniyang panalo sa technical score sa Nebelhorn Trophy na maaaring makasama ito sa Four Continents Championship na bukas sa mga non-European member nations ng International Skating Union (ISU).