CAUAYAN CITY- Nabawasan ang pinapakawalang tubig ng magat dam kung saan isang unit ng spillway gate ang bukas na mayroong 2 meters opening.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Wildfredo Gloria, Division Manager ng NIA-MARIIS na mula 9:00pm ang water elevation ng magat dam ay 189.39 meters, 791 cubic meters per second ang inflow habang ang outflow at 533 meters per second
Sinabi ni Engineer Gloria na minimal lamang ang pinapakawalang tubig ng magat dam dahil sa unti unti na ring nagsu-subside na ang inflow galing sa magat watershed areas at minimal din ang epekto nito sa ilog.
Samantala, kontento ang pamunuan ng magat dam sa naging reaksiyon ng mga Senador at Kongresista sa kanilang paliwanag sa pagpapakawala ng tubig sa dam.
Inihayag ni Engineer Gloria na ipinaliwanag nila ang kanilang panig at ang kanilang pagpapalabas ng tubig ay alinsunod sa magat dam protocol
Lahat anya ng tanong ng mga kongresista at senador ay kanilang nasagot at naipaliwanag nilang mabuti ang kanilang panig.
Naging maganda rin ang kinalabasan ng pagdinig upang masolusyonan ay iminungkahi na magkaroon ng wholistic approach at pagkakaroon ng intergaretd Water Resource Management Council.