-- Advertisements --
Pinawi ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pangamba ng mga residente sa Cagayan na maaaring magkaroon ng oil spill ang sumadsad na M/TUG SEDAR 7 sa Palaui Island, Barangay San Vicente sa bayan ng Santa Ana.
Ayon sa PCG, sa inisyal na pagsusuri ay walang nakitang traces ng langis sa paligid ng sasakyang pandagat.
Komprehensibong oil spill assessment umano ang kanilang isinagawa na pinangunahan ng Marine Environmental Protection (MEP) Force.
Matatandaang ang tugboat ay sumilong lamang dahil sa nagdaang bagyo ngunit hinampas ito ng malalakas na alon kaya napadpad sa mababaw na bahagi ng dagat.
Sa ngayon, nasa ligtas nang kalagayan ang crew members nito.
Gayunman, sasailalim pa rin sila sa pagtatanong ng mga imbestigador.