Pumanaw na ang tinaguriang pinakamatandang lalakeng Gorilla na si Ozzie matapos na magpositibo sa COVID-19.
Natagpuan na lamang na hindi na humihinga ang 61-anyos na Gorilla.
Sinabi ni Zoo Atlanta president and CEO Raymond B. King na isang malaking kawalan sa kanila ang pagpanaw ni Ozzie.
Base sa beterinaryo na tumingin sa Gorilla na noon pang nakaraang linggo ay nagsimulang nawalan na ito ng ganang kumain.
Hindi aniya sila tumigil na hinikayat itong kumain at uminom ng tubig.
Magugunitang noong Setyembre 2021, ay kabilang si Ozzie sa siyam na gorilla sa Zoo Atlanta na nagpositibo sa COVID-19.
Gaya ng sintomas ng mga tao ay nakaranas ito ng pag-ubo, pagbahing at sipon.
Taong 1988 ng dumating si Ozzie sa Atlanta at naging unang gorilla na nakuhana ng blood pressure reading.
Magsasagawa ang mga eksperto ng necropsy para malaman ang dahilan ng pagkamatay ng gorilla.
Sa ngayon ay tanging ang pinakamatandang babaeng gorilla na nabubuhay ay matatagpuan sa Berlin Zoo na si Fatou sa edad na 64.