Muling naisama ang Pilipinas sa listahan ng 10 ”worst countries” para sa mga manggagawa, ayon sa 2024 Global Rights Index ng International Trade Union Confederation (ITUC) na inilabas ngayong Biyernes, Hunyo 6, 2025.
Ika-siyam na sunod na taon nang kabilang ang Pilipinas sa listahang ito, ayon sa Workers Rights Watch gaya ng Kilusang Mayo Uno, Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, National Federation of Sugar Workers, Alliance of Concerned Teachers. Kilusan ng Manggagawang Kababaihan, Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees, Public Services Labor Independent Confederation, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Migrante Philippines, at Center for Trade Union and Human Rights.
Bukod sa Pilipinas, kasama rin sa 10 ”worst countries” para sa mga manggagawa ang Bangladesh, Belarus, Ecuador, Egypt, Eswatini, Myanmar, Nigeria, Tunisia, at Turkey.
Batay sa ulat, pinakamadalas nilalabag sa Pilipinas ang karapatang magwelga (87%), sumunod ang karapatan sa collective bargaining (80%), karapatang magtatag o sumali sa union (75%), at karapatan sa hustisya (72%).
Samantala, ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hindi isinasaalang-alang ng ulat ang mga hakbang ng kasalukuyang administrasyon upang maresolba ang mga matagal nang isyu. Giit niya, kung tunay na isa ang Pilipinas sa pinakamasamang bansa para sa mga manggagawa, hindi sana ito nahalal bilang miyembro ng ILO Committee on Freedom of Association noong nakaraang taon.