-- Advertisements --

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Agriculture ang pegbebenta ng P20-per-kilo ng bigas sa mas maraming lokasyon sa bansa.

Bahagi ito ng hakbang ng ahensya na makapag benta ng murang bigas sa mas maraming lugar sa Pilipinas.

Batay sa datos ng DA, aabot na ngayon sa halos 80 KADIWA o Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita Center ang nagbebenta ng bigas na P20 per kilo.

Kabilang sa mga ito ay nakatayo na sa Cebu at Bacolod habang isusunod na rin ng ahensya ang Bohol , Camarines Sur, San Juan at Navotas City sa Metro Manila.

Ito ay naka angkla sa layunin ng gobyerno na ibaba ang presyo ng mga commercial rice sa merkado na una nang ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Target ng ahensya na ipatupad ang nationwide rollout sa Enero 1, 2026.

Sa ngayon, mabibili ang P20-per-kilo na bigas sa mga KADIWA Centers at mga lokal na pamahalaan.