Pumanaw na ang tinaguriang pinakamaliit na tao sa buong mundo sa edad 27.

Si Khagendra Thapa Magar ay nalagutan ng hininga habang ito ay nasa pagamutan sa Nepal.

Ayon sa kaniyang kapatid na dinapuan ito ng pneumonia at naapektuhan din ang kaniyang puso.

Si Magar ay siyang unang naideklara ng Guiness World Records noong 2010 matapos ang kaniyang ika-18th birthday.

May taas ito ng 2 feet at 2.41 inches.