-- Advertisements --

Itinuturing sa pinakamalaking rare pink diamond ang nahukay sa Angola.

Ang 170 carat at may bigat na 34 gramo na pink diamond ay pinangalanang “Lulo Rose”.

Ito na ang sinasabing pinakamalaking pink diamond na nahukay na sumusunod 185 carat na Daria-Noor na natuklasan sa India kung saan ito ay sinasabing galing sa pinutol na mas malaking bato sa Iranian crown jewels.

Ang Lulo Rose ay isang 2a diamond na ibig sabihin ay may kakaunti o hindi na purog diamente.

Itinuturing na pinakamalaking diamond na naitala ay ang Cullinan diamond na natuklasan sa South Africa noong 1905 na mayroong 3.107 carats at tumitimbang ng kalahating kilo.

Ito ay hinati sa 105 na iba’t-ibang bato.