-- Advertisements --

Muling ilalagay sa yellow alert ang Visayas grid ngayong Miiyerkules, Mayo 27.

Sa inilabas na abiso ng National Grid Croporation of the Philippines (NGCP), magiging epektibo ang yellow alert sa grid bandang alas-6:00 ng gabi at magtatagal ng isang oras o hanggang alas-7:00 ng gabi.

Sa ngayon, mayroong available capacity ang Visayas grid na 2,682 megawatts (MW) habang ang peak demand ay tinatayang aabot sa 2,415 MW.

Ang yellow alert ay ipinatutupad kapag mayroong manipis na reserba ng kuryente.

Ayon sa NGCP, nananatiling naka-forced outage ang units 1 at 2 ng Therma Visayas Inc. at Unit 3 ng Panay Energy Development Corp., na maaaring magresulta sa pagkawala ng kinakailangang kapasidad para matugunan ang mas mataas na demand ng grid para sa suplay ng kuryente.

Gayundin, sinabi ng NGCP na ang nakadagdag sa pagbawas ng kapasidad ng grid ang unavailability ng tatlong generating units ng Therma Visayas Inc at Panay Energy Develoment Corp.