-- Advertisements --

Nagsimula na ang pinakamalaking international maritime exercise sa mundo.

Kabilang ang Pilipinas at 25 bansa sa Rim of the Pacific (RIMPAC) kung saan ang host ay US Navy.

Ayon sa US Navy na mayroong 38 surface ships, apat na submarines, siyam na national land forces, mahigit 30 na unmanned systems, 170 na eroplano at mahigit 2,500 na personnel.

Ipinadala naman ng Pilipinas ang BRP Antonio Luna na isang guided missile ship.

Ilan sa mga bansang kasama ay Australia, Brunei, Canada, Chile, Colombia, Denmark, Ecuador, France, Germany, India, Indonesia, Israel, Japan, Malaysia, Mexico, Netherlands, New Zealand, Peru, South Korea, Singapore, Sri Lanka, Thailand, Tonga, at the United Kingdom.

Gaganapin ito sa karagatan ng Hawaii at southern California na magtatapos hanggang Agosto 4.