-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinailalim sa tatlong araw na surgical lockdown ang apat na barangay sa lungsod ng Iloilo kasunod nang pagkakahawaan ng ilang mga residente sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Roland Jay Fortuna, focal person for COVID-19 sa lungsod, sinabi nito na ang nasabing mga barangays ay kinabibilangan ng Rizal Pala-Pala 1 at 2, Barangay Tanza Baybay, sa City Proper at Barangay North Baluarte sa distrito ng Molo.
Samantala, papalawigin din ang lockdown sa Iloilo Fish Port Complex matapos nagkahawaan din ang mga nagtatarabaho sa lugar.
Maging ang Iloilo Terminal Market na pinakamalaking merkado sa Iloilo City ay ni-lockdown din para sa disinfection.















