CEBU – Nakapagtala ng pinaka-unang kaso ng COVID-19 ang hanay ng pulisya sa Cebu matapos isang police personnel ang nagpositibo ng coronavirus.
Ayon kay Cebu City Police Office (CCPO) Director PCol. Josefino Ligan nagpapatuloy sa ngayon ang contact tracing sa mga nakasama at nakahalubilo ng pulis.
Inaalam na rin sa ngayon kung saan partikular nakuha ng pulis ang virus.
Ayon kay Col Ligan na naging assignment nito ang iba’t ibang Quarantine Control Points at pansamantala rin itong na-assign sa Barrio Luz na una nang isinailalim sa total lockdown dahil sa mataas na COVID-19 cases.
Sa kabila ng pagiging positive ng pulis sa coronavirus, ayon kay Col Ligan nanatiling malakas ang pangangatawan nito at nasa isolation facility na sa ngayon at mahigpit na minomonitor ng mga medical experts.
Binigbigyan na rin ng tiyak na pag-aaruga ang naturang pulis na isasailalim sa 14-day quarantine period. Samantalang minomonitor din ang mga kasamahan nito.
Nasa 40 na mga pulis ang ipina-swab test, 39 nito ang negatibo at isa ang infected ngunit asymptomatic ng coronavirus.