-- Advertisements --

Nakatanggap muli ang bansa ng mahigit na 600,000 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer BioNTech.

Pasado alas nuebe kagabi ng lumapag ang eroplanong lulan ang 609,570 na bakuna na binili ng Pilipinas.

Ayon sa Inter-Agency Task Force na gagamitin nila ang nasabing mga bakuna sa tatlong araw na vaccination day mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 2.

Target kasi ng task force na makapagbakuna ng nasa 5 milyon katao sa loob ng isang araw.