Inilagay ng United States Centers for Disease Control and Prevention (US CDC) sa kanilang listahan ang Pilipinas bilang nasa “high risk” dahil sa muli na namang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Ibinilang ang Pilipinas sa Level 3 or high level of COVID-19 dahil daw sa na-monitor na 100 mga kaso kada 100,000 popolasyon ng mga residente sa nakalipas na 28 araw.
Dahil dito inirekomenda ng US CDC sa kanilang mamamayan na kung maaari ay iwasan munang magbiyahe sa Pilipinas kung hindi naman updated ang isang tao sa kanilang vaccination.
Nitong nakalipas namang araw iniulat ng Department of Health na bago lamang ay nakapag-record ang Pilipinas ng halos 4,000 na COVID-19 cases.
Ayon pa sa DOH ang daily reported infections ay nag-a-average sa 3,993 from mula Aug. 3-9, kung saan nasa 12% itong mas mataas kumpara sa nakalipas na linggo.