Nakikiisa ang Pilipinas sa isinusulong na sustainable, inclusive at resilient ASEAN region.
Ito ang binigyang-diin ni Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza sa pagdalo ng ilan sa House leaders sa ginanap na 43rd ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) General Assembly.
Sinabi ni Mendoza na para maisakatuparan ito kailangan na magkaisa at magtulungan ang ASEAN Countries.
Pinakamainam din aniyang plataporma ang AIPA para sa pakikipagdayalogo para resolbahin ang anomang inter-parliamentary concerns.
Kasabay nito ay ibinahagi rin ni Mendoza ang medium term fiscal framework ng Marcos Jr. Administration na siyang gabay ng pamahalaan para sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Kabilang din sa delegasyon ng Philippine Congress na dumalo sa AIPA Committee on Foreign Affairs Chairperson Rep. Maria Rachel Arenas, Committee on Women and Gender Equality Chairperson Rep. Geraldine Roman, Committee on Housing and Urban Development Chairperson Rep. Jose Francisco Benitez, Committee on Higher Education Chairperson Rep. Mark Go, Committee on Justice Chairperson Rep. Juliet Marie De Leon Ferrer, at Committee on Overseas Workers Affairs Chairperson Rep. Ron Salo.
Sa naturang pulong ay natanggap ng Pilipinas ang una nitong AIPA Distinguished Service Award.