-- Advertisements --
Mayroong ng dalawang gintong medalya ang Pilipinas sa 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.
Ito ay matapos na magwagi si Meggie Ochoa sa women’s jiu jitsu.
Pinatumba kasi nito si Balqees Abdulla ng United Arab Emirates sa 48 kgs. final.
Naging emosyonal si Ochoa ng ianunsiyo ang kaniyang pangalan bilang nagwagi.
Ang 33-anyos na veteran grappler sa world championships noong 2018 sa Sweden at noong nakaraang taon sa Abu Dhabi na mayroong tatlong Asian Championships sa kaniyang belt.