-- Advertisements --
facemask

Iniulat ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na malapit na uamno ang bansa sa transition nito mula sa pandemic patungo sa endemic state sa COVID-19.

Ayon kay Solante, dapat lang na ipagpatuloy ng bansa ang ginagawa ngayon upang ito ay maabot.

Noong Abril nang sabihin ng isa pang eksperto sa infectious diseases na si Dr. Edsel Salvana, na ang bansa ay nakakakita na ng mga senyales ng endemicity dahil sa pinabuting rate ng healthcare utilization at pagbaba ng mga impeksyon sa COVID-19.

Nauna nang ipinaliwanag ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang endemic ay “isang estado kung saan ang mga kaso ay stable, pare-pareho na, at predictable.”

Sa pamamagitan nito, dapat magkaroon ng balanse sa pagitan ng antas ng transmission at immunity.

Magugunitang ang bansa noong Martes ay nagtala ng 1,554 na bagong impeksyon sa COVID-19, na nagpababa sa aktibong bilang sa 25,004.

Samantala, hindi bababa sa 73.3 milyong Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19, habang 20.1 milyon ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot.