GENERAL SANTOS CITY – Hindi lamang galonggong o pelagic fish ang kinulang pati na rin ang Isdang Tuna.
Ito ang pahayag ni Fishing magnate Marfenio Tan matapos binigyan linaw ang pag import ng bansa ng 60,000 MT ng galonggong.
Pagka ngayon umano nagkukumahug ang fishing sector kung bakit bumaba ang fish catch gayong wala namang bagyo at El NiƱo na isa sa tinuturong dahilan ng pagkawala ng isda.
Sinabi nito na nuong wala pa ang pandemic 250 metric tons bawat araw ang dinadaong na isda sa Gensan fishport subalit ngayon nasa 23 metric tons bawat araw na lamang.
Dahil sa kulang na volume ng isda apektado din ang mga Tuna cannery sa lungsod kayat bumaba ang production at lumiit din ang nabigyan ng trabaho.
Nalaman din na may over fishing na ang rehiyon dahil sa dami ng mangingisda dito.
Dagdag pa nito na hanggang sa ngayon hinde pa naibigay ng gobyerno ang hiling na gagawing Department of Fishing Industry ang BFAR.