Handang-handa na ang Pilipinas para tanggapin ang trophy na matatanggap ng mga magwawagi sa FIFA Women’s World Cup.
Ayon kay Philippine Football Federation president Nonong Araneta na simula sa Marso 1 ay kanilang idi-display sa publiko sa isang mall sa Makati City ang nasabing tropeo.
Ang Pilipinas kasi ang siyang pangatlong lugar kung saan dadalhin ang tropeo na una ay sa Japan at South Korea.
Matapos nito ay dadalhin naman sa Marso 2 ang tropeo sa Vietnam ng Marso 4 hanggang 5 na susundan ng China ng Marso 9-11, Morocco sa Marso 20, South Africa sa Marso 22 hannggang 23, Zambia sa Marso 24, Nigeria sa Marso 26, Brazil sa Marso 29 hanggang 30 at Argentina sa Marso 31.
Magugunitang kasama ang Philippine football team ng bansa na Filipinas sa World Cup kung saan kasama nila sa groupo A ang New Zealand, Norway at Switzerland.
Magiging host ng FIFA Womens World Cup ang Australia at New Zealand sa buwan ng Oktubre.