-- Advertisements --

Bumaba ang ratings ng Pilipinas sa dami ng mga Filipino na masaya ngayong 2021.

Ayon 2021 World Happiness REport ng United Nations na sa pang number 61 na ang ranking ng Pilipinas mula sa dating pang-52 noong 2020.

Gumamit ang researchers ng Gallup data kung saan tinatanong ang mga tao na i-rate ang kanilang sariling kasiyahan.

Nagbigay din ang mga kabilang sa research ng ratings kung gaano sila kasaya sa usapin ng gross domestic product, social support, personal freedom at levels of corruption ng bansa.

Noog taong 2017 hanggang 2019 ay nasa pang-42 na lugar ang Pilipinas sa dami ng mga masasayang tao.

-- Advertisement --