-- Advertisements --

Muling naglabas ng pagkondena ang Pilipinas at European Union, ukol sa nagpapatuloy na ginagawang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.

Sa inilabas na Joint Statement ng Pilipinas at ng European Union, nakasaad dito na kailangan nang makahanap ng mapayapang paraan para matapos na ang kagulugan.

Dapat umanong nakabatay sa isinasaad ng international law at ng United Nations Charter, ang anumang paraan ng pagresolba sa nasabing problema.

Panawagan pa ng dalawa sa Russia na alisin na ang kanilang mga pwersa at kagamitan sa buong teritoryo ng Ukraine. Maliban dito, nanawagan din ang dalawang na payagan ang ligtas at walang hadlang na pagpasok ng mga grupong nagsasagawa ng mga humanitarian mission sa Ekraine.

Kasabay nito ay ang nangako ang pamahalaan ng Pilipinas at ang European Union na magtulungan at panindigan angt pagsunod sa international law, pagrespeto sa soberanya ng bawat nasyon, territorial intergrity, at prinsipyo ng non-aggression.