LA UNION – Handa na umano ang mga pilgrim sites at historical churches sa La Union para sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto ngayong semana santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Provincial Information and Tourism Officer Adamor Dagang, sinabi nito na nakipag-unayan na sila sa lahat ng local government unit at parish pastoral council sa buong lalawigan para siguraduhin ang seguridad ng mga pilgrims na magtutungo sa mga pilgrim sites at old churches.

Kabilang aniya dito ang Basilica Minore of Our Lady of Charity o Agoo Basilica sa bayan ng Agoo; Our lady of Namacpacan sa bayan ng Luna; Shrine of Nuestra Señora del Mar Cautiva sa bayan ng Santo Tomas at old churches sa bayan ng Bauang, Bacnotan, at Bangar.

Samantala, ipinarating din ni Dagang na halos napupuno na ng mga turista ang mga hotel lalo na sa bayan ng San Juan na inaasahang magkakaroon ng maraming aktibidad ngayong semana santa.