Mangunguna sang magkasintahang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Beautiful Destination founder Jeremy Jauncey sa fundraising event ng World Wide Fund for Nature-Philippines.

Kinumpirma ito ng WWF-Philppines sa pamamagitan ng kanilang Instagram post sa pagsama ng magkasintahan sa “Fundraising Hour” campaign.

Pag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa “sustainability, kung paano ito maipapatupad sa mga komunidad at sa kanilang kabahayan.

Mapapanood ang nasabing programa sa Facebook page ng WWF sa Hulyo 15.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay kinumpirma nina Pia at Jeremy ang kanilang relasyon.